Maaring makatulong ang Asian Development Bank (ADB) sa pamahalaan na ipatupad ang plano nitong paglulunsad ng “food stamp” program, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, inimungkahi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang food stamp program na magiging malaking tulong sa mamamayang Filipino.
“I’m surprised that we have never had, but it is something that we can see that has been effective in other countries,” aniya.
Nabanggit din ng Pangulo ang partnership sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Civil Service Commission (CSC) sa digitalization. “The ADB has given us so many opportunities… They have been an essential part of all our development plans and they have been a robust and strong and reliable partner in the development of the Philippines,” dagdag ni Marcos Jr.
Noong nakaraang linggo, nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order No. (EO) 27, na nag-aamyenda sa EO 101 at nagrere-organisa sa inter-agency task force on zero hunger.
Itinalaga ng bagong EO ang Secretary of the Department of Social Welfare and Development bilang co-chair kasama ang Executive Director ng National Nutrition Council. Papalitan nila ang Cabinet Secretary bilang head ng Task Force on Zero Hunger.
Ang EO 101, na nilagdaan ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong Enero 2020, ay lumikha ng Task Force upang matiyak na ang mga patakaran, inisyatibo at proyekto ng gobyerno sa pagkamit ng zero hunger ay dapat na naka-coordinate, tumutugon at epektibo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA