May 3, 2024

Most wanted person, arestado sa Valenzuela

NASAKOTE ng pulisya ang isang vendor na listed bilang most wanted sa isinagawang manhunt operation sa loob ng isang resort sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jaypee Angeles, 24 ng GK, Brgy. Pulong Santol, Porac, Pampanga. 

Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nagsagawa ng joint manhunt operation ang pinagsanib puwersa na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista at at 5th MFC, RMFB, NCRPO kontra wanted person.

Naaresto sa naturang police operation ang akusado dakong ala-1:05 ng hapon sa loob ng Great Falls Resort Brgy. Maysan ng lungsod.

Ani Lt Bautista, ang akusado ay pinosasan nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Elena A. Amigo-Amano, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 282, Valenzuela City noong May 14, 2022 para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Sale at Possession of Dangerous Drugs.

 Pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (JUVY LUCERO)