Sa pamamagitan ng NowheretogobutUP Foundation, nakipagtulungan ang UP Fighting Maroons sa Converge ICT Solutions.
Ito’y upang mayudahan ang chosen students ng unibersidad mula sa NCR at karatig lalawigan sa Luzon sa kanilang pag-aaral sa tinaguriang ‘new normal’.
Batay sa programa ng Officers of UP’s Kaagapay Sa Pag-Aaral Ng Mga Iskolar Ng Bayan, UP College of Human Kinetics (UP CHK), at UP Varsity Council, gagabayan nila ang Converge — fastest growing fiber internet service provider sa bansa – na makapili ng mga deserving students at student-athletes para maging benepisaryo.
Ang Kaagapay Sa Pag-Aaral Ng Mga Iskolar Ng Bayan or #KaagapayUP ay isang fundraising and resource generation campaign ng UP System na layun na matulungan ang mahigit 5,600 UP students— na posibleng hindi makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa bagong online system dulot ng krisis na likha ng COVID-19 pandemic.
Handa ang Converge ICT na maglaan ng internet connection sa mga mapipiling UP scholars mula sa NCR at Northern at Southern Luzon.
“We plan to support the most challenged UP students throughout the duration of the remote learning setup, or at the very least, for two semesters. Phase 1 of the initiative will provide internet connection to 30 student-athletes for the whole academic year. As the first semester has already begun, we will begin installation of pure fiber internet in their homes, as soon as possible,” ani Converge ICT Solutions Founder and CEO, Mr. Dennis Anthony Uy.
Tulad nang iba pang unibersidad at kolehiyo sa bansa, ang UP ay tumalima rin sa panuntunan ng CHED para sa remote learning and online classes sa pagbubukas ng klase bilang bahagi ng ‘health and safety’ protocol na ipinatutupas ng pamahalaab sa gitna ng COVID-19 pandemic.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo