December 23, 2024

UNITED NATIONS, NABABAHALA SA KARAHASAN SA MGA ASIAN-AMERICANS

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan.

Ngayong Holy Week, ala ‘e tiis-tiis lang muna tayo ngayong ECQ. Maalinsangan ano po? Ligo lang ang katapat niyan.

Na-touch ako sa aking nakitang mga viral videos. Na tungkol sa pananakit ng ilang tao sa mga Asian-Americans. Sa video, ginulpi ng isang lalaki ang isang Asyano sa loob ng tren.

Isa pang video, walang awang pinagsisipa ng isang itim na kalbong lalaki ang isang matandang babae. Nakasalubong lang naman niya ito.

Ano na ba ang tingin ng mga taga-kanluran sa kanilang mga sarili? Mga demigods? Mas mataas baa ng uri nila kaysa sa atin?

Nakababahala ito, mga Ka-Sampaguita. Baka pati mga kababayan natin doon ay pagbuhatan din ng kamay. Malinaw na ang kanilang hate o pagkamuhi sa Asian-Americans ay inggit.

Sapaw na kasi sila ng K-Pop? Mas magaling ba sa kanila ang taga-Silangan? Kaya, nagagawa nila ang gayung karahasan?

Kaya naman, nababahala ang United Nations sa sitwasyong ito. Ika nga, “Stop Asian Hate!”

Kasi nga, nakararanas ng pang-aabuso, diskriminasyon, verbal at physical attacks ang mga Asians. Laganap din ang pambu-bully sa social media.

Kaya naman, nagpaabot ng suporta si UN Secretary-General Antonio Guterres. Nanawagan din siya na itigil na ang racism at pag-apak sa karapatang pantao ng mga Asyano

 “This moment of challenge for all must be a time to uphold dignity for all,” saad ng UN chief,” aniya.

Kung di mapipigilan, baka dumating ang panahon na ang “Asya ay para lang sa Asya”! Ano sa tingin n’yo kung magiging ermitanyong kontinente ang Asya sa mga dayuhan?

Kaya, stop Asian Hate. Viva La Raza!