Nagpakitang-gilas agad si Isabella Zapanta del Rosario matapos siyang sumipa ng buwenamanong ginto sa kanyang unang paglahok sa aktwal na kumpetisyon sa larangan ng taekwondo.
Pinataob ni Isabella,anak ni Olympian jin,national athlete,opisyal ng Philippine Taekwondo Association( PTA) at dating Makati 1st District Congressman Monsour Del Rosario,ang dalawang nakatunggali sa preliminary bouts patungong finals upang hablutin ang buwenamanong gintong medalya sa kanyang unang salang pa lang ng opisyal na torneong 1st. Mayor Wes Gatchalian 2023 CAMANAVA Age Group Taekwondo Championship kamakalawa sa WES Arena Bgy.Punturin sa Valenzuela City.
“Nice start for Isabella.Her first gold is very special for us. Her journey in this sport begins today.Isabella will train in Baguio this weekend to prepare for the next high level taekwondo competition this coming weekend.Her fight at the end of April is much harder than the fights she had today…It’s a higher level competition,” sambit ni Olympian Monsour na todo suporta sa adhikain ng kanyang anak na si Isabella- ang future Pinay taekwondo star.
More Stories
GAS TANKER TRUCK SUMALPOK SA BODEGA, NAGDULOT NG SUNOG; 1 PATAY, 28 NAWALAN NG BAHAY
CICC: SCAMS ISUMBONG SA 1326 HOTLINE (Imbes ilabas ang galit sa social media)
BuCor magsasagawa ng mga aktibidad para sa kanilang ika-119 Founding Anniversary