May 6, 2024

UNANG ANAK NI COLEEN GARCIA KAY BILLY CRAWFORD ISINILANG NA

ISINILANG na ni Coleen Garcia ang kanyang unang anak sa asawa niyang si Billy Crawford.

Pinangalanan nila ang naturang sanggol na lalaki na si Amari.

Dakong alas-6:33 ng umaga ngayong Setyembre 19, matapos ang apat na oras na pagla-labor.

Sa Ibinahaging larawan ng kanilang baby sa Instagram, sinabi ni Coleen na “There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari.”

Aniya, pumutok ang kanyang panubigan habang kumukuha ng larawan para i-post sa Instagram.

Saad pa niya na sumailalim siya sa unmedicated water birth sa loob ng kanilang tahanan, at nagpasalamat kay Billy para sa mensahe at pagiging suportadong asawa.

Sina Billy at Coleen ay nagsama sapul noong 2014 at ikinasal ng Abril 2018.