November 24, 2024

UMPISAHAN SA ATING TAHANAN

ANG tahanan ang nagsisilbing pundasyon upang mahubog ang isip at pag uugali ng isang bata. Dito unang nililinang ang kanyang kaalaman at kakayahan upang balang araw ay maging handa sa pagharap sa mundong puno ng pinaghalong opurtunidad, pagsubok at kapahamakan.

Ang mga magulang na nagsisilbing haligi at ilaw ng tahanan ay may nakaatang na responsibilidad upang siguraduhin na magiging handa, matatag at may angking kakayahan ang kanilang mga supling sa pagharap sa kamunduhan.

Hindi man lingid sa kaalaman ng mga magulang, ngunit isa sa mga malalaking pinamumugaran ng CPP-NPA-NDF ang mga paraalan lalong-lalo na sa mga pampubliko, sa mga unibersidad. Ito ay ayon na rin sa datos ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense makailang araw matapos mapatupad ang National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict of NTF-ELCAC. Dito ay kung saan ang mga mag-aaral ay walang kamuwang-muwang na dinodoktrinahan ng mga komunista at ito ay nauuwi sa pagsama nila sa rally, paglaban sa gobyerno at may mataas na tyansa na maging miyembro ng New People’s Army.

Marami nang naging biktima at ang iba ay mga nangamatay na. Sila ang mga kabataan kung saan ay nangarap, nagtapos ng pag-aaral, nalinlang at nagbuwis ng buhay para sa ideyolohiyang naghahasik ng karahasan sa ating lipunan.

Ang mga kaganapang ito na nangyari na sa iba nating mga kabataan ay maari at maari ring mangyari sa ating mga anak.

Hindi man siguro natin lubos maisip pa sa ngayon dahil sabagay nga at mga musmos pa sila subalit isipin din natin ang mga panahong darating.

Ang mga panahon na hindi natin nakikita ang ginagawa ng ating mga anak. Mga panahon na sila ay nasa paraalan o ibang lugar man na wala tayong kasiguruhan kung sino ang kanilang kahalubilo.

Layunin ng akdang ito na ipahayag ang sidhi para sa adbokasiyang pangkapayapaan at mapangalagaan ang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Patuloy sa aming parte bilang mga kawani ng pamahalaan na magpalaganap ng kamalayan

nang sa gayon ay hindi sila malinlang ng mga komunistang grupo.

Subalit alam din namin na may isa pang mas matibay na solusyon upang maprotektahan ang ating mga bata. Ito ay ang maumpisahan natin sa tahanan at bilang mga magulang ay mapaunawa sa ating mga anak ang patungkol sa mga bagay na ito.

Naway patuloy na maging katuwang ang mga magulang ng ating pamahalaan upang mas lalo pang mapagtibay ang pundasyon ng adbokasiyang pangkapayapaan at pangkaunlaran para sa makinang na kinabukasan ng ating mga kabataan. (Mula sa HUKBONG HIMPAPAWID NG PILIPINAS)