
Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng Northeast Monsoon o Amihan sa karamihan ng bahagi ng bansa. Ibig sabihin nito, nagsimula na ang panahon ng tagtuyot na magdadala ng mas mainit na temperatura at paminsang-minsang thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, ang pagbabago ng direksyon ng hangin mula sa northeasterly patungong easterly, na dulot ng High-Pressure Area (HPA) sa Northwestern Pacific, ay senyales ng pagtatapos ng monsoon. Bagama’t mas tuyo na ang klima sa maraming lugar, maaari pa ring makaranas ng malamig na bugso ng hangin ang matinding hilagang bahagi ng Luzon.
“With this development, the day-to-day weather across the country will gradually become warmer, though isolated thunderstorms are also likely to occur,” pahayag ng PAGASA.
Dahil sa tumataas na temperatura, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat upang maiwasan ang heat stress at tiyakin ang maingat na paggamit ng tubig sa pang-araw-araw na pangangailangan. Pinapaalalahanan din ang lahat na manatiling hydrated, magsuot ng preskong damit, at umiwas sa matinding sikat ng araw lalo na sa tanghali.
Ang pagsisimula ng dry season ay kadalasang nagdadala ng mas maraming outdoor activities, ngunit kasabay din nito ang pangamba sa kakulangan ng tubig at peligro ng sunog. Pinapayuhan ang mga residente, lalo na sa Metro Manila at iba pang urban areas, na maging handa sa posibleng heatwaves at limitadong suplay ng tubig sa mga susunod na buwan.
Sa kabila ng inaasahang mainit na panahon, nagbabala ang PAGASA na posible pa rin ang localized thunderstorms, lalo na tuwing hapon at gabi, dahil sa humidity buildup.
Dahil sa seasonal shift na ito, asahan ang mas maiinit na araw kaya’t kinakailangang maging maingat laban sa heat-related illnesses at mas maging responsable sa paggamit ng tubig.
More Stories
VICO SOTTO SUSUNOD NA PANGULO (Suportado ni Vic Sotto)
TRILLANES NAIS GAYAHIN SI VICO SOTTO (Para sa pagbabago ng Caloocan)
4 na pulis sugatan sa engkuwentro sa Guinayangan, Quezon