
SUGATAN ang isang binata matapos saksakin ng kanyang kapitbahay makaraang tangkain umawat ng biktima sa pagsusuntukan ng suspek at kapatid nito sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Si Joshua Suson, 21 ng Block 4, Kadima, Brgy. Tonsuya ay inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa katawan habang naaresto naman ang suspek na si Ramelito Arandia, 27.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi, nagsusuntukan ang suspek at kanyang kapatid Block 4, Kadima, Brgy. Tonsuya nang tangkain silang awatin ng biktima.
Gayunman, sa halip na magpaawat ay dumampot ng basag na bote ng alak ang suspek at sinaksak sa katawan ang biktima bago mabilis na tumakas.
Isinugod ng kanyang kapitbahay ang biktima sa naturang pagamutan habang humingi naman ng tulong sa mga barangay tanod ang kapatid na babae ni Suson na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
(JUVY LUCERO)
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO