May 17, 2024

Umarangkada na raw ang career sa ibang bansa… LIZA SOBERANO, MAY TV SHOW NA SA KOREA

INANUNSIYO nang Dive Studio, na kasali si Hope Soberano o mas kilalang Liza Soberano, sa ika-apat na Korean season show na ‘Hwaiting.’ At ito’y mapapanood online.

“Excited na si Hope na mapanood ng lahat, lalo na ng kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusubaybay sa kanyang showbiz career.

“Makakasama ho ni Hope ang mga naglalakihang bituwin ng K-pop tulad nina, Eric Nam, Kevin and Jacob ng The Boyz, Jinjin ng ASTRO at si Nancy ang former Momoland member.

“After movie, isa namang online show ang pinasok ni Hope Soberano. Isa na itong way para lubusan na niyang matakasan ang mundo ng showbiz sa Pilipinas,” mataray na pahayag ng aking source.