
ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Koreano na wanted sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasanggkot sa telecommunications fraud.
Sa isang kalatas, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang naarestong pugante na si Byun Jonghyun, 40.
Nadakip ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI si Jonghyun sa Brgy. Balibago, Angeles City.
Ani Tansingco, target nito ang mga kapwa Koreano na nakabase sa bansa.
Miyembro rin umano si Byun ng isang organized crime syndicate na notoryus sa voice phishing operations.
Umaabot na sa P674 milyon o nasa $500,000 ang kinikita ng grupo sa panloloko. Kasalukuyan nang naka-ditene si Byun sa BI Warden Facility ng Camp Bagong Diwa bago tuluyang ipa-deport pauwi sa Korea.
More Stories
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG