OPTIMISTIKO si National Masters AthleticAssociation of the Philippines Director Jeanette Obiena na makakamit ng kanyang anak na si prized pole vaulter EJ Obiena na makakamit niya ang kanyang ultimate goal na gold posibleng sa susunod na taong Paris Olympics 2024.
Ang Philippine Sports Associaton( PSA) awardee at international multi – medalist sa pole vault ay kasalukuyang nag- eensayo sa ibayong dagat sa timon ng kayang foreign coach bilang preparasyon sa pag-ani ng ginto sa pinakamalaking sports spectacle sa mundo na Olimpiyada.
“Dama ko na malapit nang maging realidad ang ultimong pangarap ni EJ,ang Olympic gold para sa bansa”,wika ng ina ng pole vault champion at Olympian ng bansa.
Ang batang Obiena na humawak ng Philippine record ay naghari sa Doha,QatarAsian Athletics Championship sa 5.71 para sa ginto at tuluy- tuloy sa world hanggang sa Tokyo Olympics.
Kinapos man sa Tokyo determinado si Obiena na makakabalikwas ito sa France para maging realidad na ang kanyang gintong pangarap.
Ang training ni EJ ay suportado ng PSC ,POC, NSA at corporate sponsors.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag