PATULOY na lumalakas ang bagyong Nando ngayong Sabado ng hapon, dahilan para magtaas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 14 na lugar sa Luzon.
Mga lugar na nasa Signal No. 1:
Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Hilagang-silangan ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Ambaguio, Bayombong, Bambang, Dupax del Norte)
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Ilocos Norte
Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, San Vicente, San Ildefonso, Santo Domingo, Bantay, Santa Catalina, Vigan City, Santa, Caoayan)
Hilagang at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Hilagang at gitnang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, San Miguel, Baras)
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo 770 km silangan ng Echague, Isabela dakong alas-4 ng hapon.
Lakas ng hangin: 140 kph (maximum sustained winds)
Bugso: hanggang 170 kph
Galaw: pa-northwest sa bilis na 10 kph
Posibleng umabot si Nando sa super typhoon category at mag-landfall o dumaan malapit sa Batanes o Babuyan Islands sa pagitan ng Lunes ng hapon o gabi (Setyembre 22). Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga (Setyembre 23).
Nagbabala ang PAGASA na may mataas na panganib ng storm surge na aabot sa higit 3 metro sa mga mababang lugar ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur sa loob ng susunod na 72 oras.
Sa susunod na 24 oras, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog ang:
Cagayan Valley
Ilocos Region
Cordillera Administrative Region
Central Luzon
Quezon
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Samantala, maaapektuhan pa rin ng Habagat (Southwest Monsoon) ang ibang bahagi ng bansa.
Inaasahang malalakas na hangin
Sabado: Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga
Linggo: Metro Manila, Central Luzon (hindi kasama ang mga nasa wind signal), CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Occidental, Davao Oriental
Lunes: Central Luzon (hindi kasama ang mga nasa wind signal), Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Davao Occidental, Davao Oriental
