Sinuspinde ng social media platform ang higit sa 300 accounts ng mga taga-suporta ni dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr
Ayon sa Twitter, nagsagawa ito ng pagsusuri sa mga account at hashtag na nabanggit kamakailan lang sa ulat ng Rappler. Sinabi ng ulat na ang mga account at hashtag na ito ay nangibabaw sa Twitter para sa kanilang sinasabing “propaganda work.”
Sinabi ng Twitter na sinuspinde nito ang higit sa 300 mga account “para sa paglabag sa pagmamanipula sa platform nito at scam policy- ang karamihan sa mga ito ay tinanggal na bilang bahagi ng kanilanga mga nakagawiang aksyon bago nai-publish ang artikulo.”
Nabanggit nito na nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat sa usapin.
Nakipag-ugnayan ang Agila ng Bayan sa kampo ni Marcos, ngunit wala pa ring nakuhang tugon sa pag-post.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna