May 2, 2024

TV Host na si KC Montero, iba pa arestado sa Makati bar

ARESTADO ng pulisya ang 100 indibidwal kabilang ang actor at TV host na si KC Montero sa isang bar sa Barangay Salcedo Village sa Makati City kahapon.

Sa inilabas na report nitong Lunes, sinabi ni Makati City police na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa naturang bar na karamihan sa mga customer ay nag-iinuman at kainan at lumalabas sa social distancing sa gitna ng umiiral na general community quarantine sa Metro Manila.

Dakong 5:35 ng hapon noong Linggo nang maglunsan ang kapulisan kung saan huli sa akto ang mga customer na nag-iinuman sa bawat lamesa.

Karamihan sa mga nag-iinuman na customer, na puro Pinoy at mga dayuhan, ang nahuli dahil sa paglabag sa physical distancing.

Dinala sila sa Makati City Police Station para sa booking procedures at posibleng sampahan ng kaso dahil sa umanoy paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Hindi pa pinapayagan ang mga bar na magbukas sa ilalim ng general community quarantine. Maari lamang silang magbalik-operasyon kung sila ay sumailalim na sa modified GCQ.

(RUDY MABANAG)