November 3, 2024

TURNOVER OF COMMAND CEREMONY,  ISINAGAWA NG QUEZON PPO

Naging matagumpay ang isinagawang Turnover Command Ceremony ng Quezon Province PPO, sa Camp Guillermo P Nakar, Lucena City ngayong araw.

Ang Quezon Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon PPO, ay matagumpay na nagdaos ng Turnover of Command Ceremony para sa mga outgoing at incoming Chief of Police ng Guinayangan, Tagkawayan, San Narciso at Unisan MPS.

Ang Turn-over of Command Ceremony ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa organisasyon ng PNP, ito ay ginaganap bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga namunong hepe ng pulisya ng isang bayan, gayundin ito ay ginaganap upang bigyang angkop na gabay ang mga bagong mamumuno na Chief of Police.

Ang tungkulin ng bawat hepe ng pulisya na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, gayundin ang pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa kanyang nasasakupang bayan at ito ay buong husay na naipatupad ng mga outgoing Chief of Police na sina:

PMaj. Eric Libranda Veluz – Guinayangan MPS

PMaj. Marcelito Paz Platino –  Tagkawayan MPS

PMaj. Nicanor Felecia Villareal  – San Narciso MPS

PCpt. Fernando Lanestosa Credo – Unisan MPS

Gayundin naman, ang buong Quezon PPO, ay sumusuporta at nagtitiwala sa kakayanan at pamumuno ng mga incoming Chief of Police na sina:

PCpt. Fernando Lanesto Credo – Guinayangan MPS

PMaj. Jun Saavedra Villarosa – Tagkawayan MPS

PMaj. Eric Libranda Veluz  – San Narciso MPS

PMaj. Nicanor Felecia Villareal  – Unisan MPS

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ngayong araw Hulyo 21, 2022 sa ganap na 6:30 ng gabi sa Quezon PPO Conference Room Camp Guillermo Nakar, Lucena City. 

Sa huli nagpahayag si Villanueva sa mga incoming Chief of Police, na tiwala siya na mabibigyan ng sapat na suporta at kooperasyon ng mga mamamayan sa komunidad na kanilang nasasakupan.

Hinimok din nito ang lahat na ipagpatuloy ang paglilingkod ng tama, tapat at may malasakit sa kapwa tao at kasama sa serbisyo. Ibigay ang lahat ng kanilang magagawa at makakaya upang matiyak ang maganda, tahimik at ligtas na komunidad para sa atin at sa mga mamamayan.