May 14, 2024

TUPAD PAYOUTS SA BATANGAS, PINANGUNAHAN NI SEN. LAPID

PINANGUNAHAN  ni Supremo Senator Lito Lapid  ang distribusyon ng DOLE-TUPAD sa 169 benepisyaryo  sa covered court sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas  ngayong Biyernes ng umaga.

Ito ay programa ng Dept. of Labor and Employment para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na apektado ng COVID-19 pandemic.

Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-P5,200 mula sa DOLE bilang sahod sa ilang araw na pagtatrabaho sa kanilang bayan. Pinasalamatan naman ni Supremo ang mga kababayan sa Mataas na kahoy, Batangas  sa mainit nilang pagsalubong sa kanyang pagbisita nitong Biyernes.