
PINANGUNAHAN ni Supremo Senator Lito Lapid ang distribusyon ng DOLE-TUPAD sa 169 benepisyaryo sa covered court sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas ngayong Biyernes ng umaga.
Ito ay programa ng Dept. of Labor and Employment para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-P5,200 mula sa DOLE bilang sahod sa ilang araw na pagtatrabaho sa kanilang bayan. Pinasalamatan naman ni Supremo ang mga kababayan sa Mataas na kahoy, Batangas sa mainit nilang pagsalubong sa kanyang pagbisita nitong Biyernes.
More Stories
Patay na ba ang Fourth Estate?
QC bukas na muli sa mga bagong iskolar para sa SY 2025–2026
Mga senador, suportado ang pagsuspinde ni PBBM sa EDSA rehab