May 17, 2024

Tumabo sa takilya na Kimi No Nawa (Your Name) ipapalabas sa Netflix

Na-miss mo ba ang Kimi No NaWa (Your Name) na ipinalabas sa mga sinehan noong 2016? Puwes, markahan na ang inyong mga kalendaryo dahil ipapalabas na ito sa Netflix sa susunod na linggo, July 10.

Narito ang trailer:

Kuwento ang “Kimi No Nawa” ng dalawang tinedyer na sina Miyamizu Mitsuha at Tachibana Taki, na nagkaroon ng special connection matapos nilang malipat sa katawan ng isa’t isa.

Ang Your name ang may hawak highest-grossing film of all time.  Hinakot din nito ang Best Animated Feature Film award sa 49 Sitges Film Festival, ang 2016 Los Angeles Film Critics Association Awards at 71st Mainich Film Awards.

Ito ay idinirek ni Makoto Shinkai, na siya ring nag-direk sa 5 Centimeters Per Second, The Garden of Words at Weathering With  You.