TUNAY na ang diwa ng bayanihan ay dala ng Pilipino kahit saan man sila makarating na panig ng daigdig.
Likas na matatag ang Pinoy lalo na sa pakikibaka at pakikisalamuha sa ibang lahi kung kaya mas marami ang nagtatagumpay sa buhay sa dayo kesa ilang porsiyento lng na ‘di pinapalad pero kahit bigo ay laban pa rin upang makamit ang adhikain.
Ang kanilang suwerte sa ibang lupain ay itinuturing nilang pagpapala ng Lumikha kung kaya bahagi ng kanilang biyaya ay isini-share nila sa mga mahal sa buhay dito sa ‘Pinas at naglalaan din sila para sa kawanggawa alay sa mga less fortunate nating kababayan lalo sa panahon ng pangangailangan tuwing may krisis, sakuna, kalamidad at trahedya kung saan bawat tulong ay lubhang mahalaga para sa mga apektadong nilalang.
Itong taong kasalukuyan ay lubhang sumadsad at hilahod ang bayan dahil sa mga kalamidad na nagdaan na nasimulang ng pagputok ng bulkang Taal , ang pandemyang coronavirus at ang mga sunud-sunod na bagyo nitong papatapos na ang taon.
Ang lawak ng pinsala sa ari-arian at kabuhayan ng tao nasalanta man o hindi kaya kahit gaano kabigat ay nananatiling matatag ang Pinoy dahil sa tulung-tulong ng lahat ng magkakababayang narito at sa abroad.
Kabilang na rito ang agarang pagtulong ng ating mga mga ‘di nakalilimot na kababayan partikular sa Toronto, Canada sa pangunguna ni businessman/sportsman/civic leader Dr. CHITO COLLANTES.- Organizer (M24B1024) ng M-24 Maharlika Guardians katuwang ang mga aktibong miyembro sa Toronto upang mamahagi ng tulong sa ikinasang relief operation sa mga biktima ng kalamidad sa Rizal, Marikina, Montalban hanggang Cagayan at sa Kabikulan.
Sa pamumuno dito ni Bro. Arvin David, Sis Omlhet Gyt, Bro Virgilio Malonzo at kooperasyon ni MUG national chair Alex Quillope at mga busilak ang pusong mga volunteers ay naipaparating ang mga tulong na galing sa mga fortunate na tulad nila sa Canada at dito sa Pinas.
Taos na tulong mula sa M24 Canada sa pakikiisa nina Bro. Ruel Depusoy, Bro Aly Guzman, Sis Ivy Bianza,Sis Red Violet, Sis Lingling Adora, Bro Justin Benedicto, Sis Tess Nicolas, Bro Jappy Duldulao, Sis Monet Abad, Sis Tess Benedicto, Bro Maro Perez, Sis Lourvi Gequillana, at iba pang mga kababayang bukal ang kalooban sa pagtulong. Mabuhay kayo! TO GOD BE THE GLORY!
More Stories
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM