Naghain si Senator Idol Raffy Tulfo ng resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang nakakaalarmang pagdagsa ng mga Chinese national sa Multinational Village, Parañaque.
Sa paghahain ng Senate Resolution No. 1043, binanggit ni Tulfo na ang mga residenteng may-ari ng Multinational Village ay dati nang nagrereklamo tungkol dito. 2019 nang magsimulang lumipat ang mga Chinese worker na sinasabing nagtatrabaho sa Philippine Overseas Gaming Operators (POGOs) sa kanilang village.
“Kamakailan ay sunod-sunod ang mga natatanggap ko na reklamo mula sa mga homeowner ng Multinational Village sa Parañaque City tungkol sa pagsakop ng mga Chinese national sa kanilang lugar. Nagmistulang Chinese territory na raw ang kanilang subdivision,” saad niya.
“May duda rin ang mga residente na maaaring may mga POGO nang nagooperate sa loob ng kanilang village,” dagdag niya.
Noong Marso 2020, sinimulan ng Senate Blue Ribbon Committee ang isang inquiry sa kaduda-dudang pagdagsa ng mga Chinese national sa Multinational Village ngunit ito ay naudlot dahild sa pandemya.
Apat na taon mula noong una nang naisapubliko ang isyung ito, sinabi ni Tulfo na: “resident-homeowners of Multinational Village continue to live in fear for their security.”
Noong nakaraang Mayo 2, 2024, isang grupo na kinabibilangan ng sampung Chinese national ang inaresto sa loob ng isang bahay sa Multinational Village dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act (R.A. No. 9208), Alien Registration Act (R.A. No. 562) at Cybercrime Prevention Act (R.A. No. 10175).
Binanggit din ni Tulfo ang mga ulat na ang ilang mga bahay na itinayo para sa mga solong pamilya ay mayroong aabot sa 40 manggagawa ng POGO na nakatira sa kanila, kaya lumalabag ito sa kategoryang R-1 ng Multinational Village, na nagsasabi na ang mga bahay doon ay dapat lamang para sa isang solong 10 pamilya.
Nanindigan ang Senador mula sa Isabela at Davao na kailangang tukuyin ang mga posibleng interbensyon sa patakaran upang matugunan ang isyung ito.
Nakipag-coordinate na si Sen. Idol sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force, National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration para imbestigahan ang status at aktibidad ng nasabing Chinese nationals sa Multinational village.
Sa huli, binigyang-diin ni Tulfo na napapanahon na upang rebyuhin ang ating immigration laws at posible loopholes ng mga ito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY