UMABOT sa mahigit P.6 milyong halaga ng illgal na droga ang nasamsam sa isang tulak na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Maj. Jeraldson Rivera ang naarestong suspek na si alyas “Negneg”, 26 ng Valenzuela City.
Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Major Rivera na dakong alas-7:52 ng gabi nang magsagawa sila ng buy bust operation kontra sa suspek sa Torres Bugalyon St., Brgy. 9, Caloocan City matapos magpositibo sa kanilang validation ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y ilegal drug activities nito.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng droga at nang tanggapin niya ang P1,000 marked money, kasama ang 25 pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Ani Major Rivera, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000, buy bust money, isang sling bag at cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON