ARESTADO ang isang bagong identified drug pusher matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Dagul”, 46, at residente ng Caloocan City.
Ayon kay Col. Baybayan, dakong alas-10:50 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng droga.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 25.8 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P175, 440.00 at buy bust money.
Nabatid na bago ang pagkakaaresto sa suspek, unang nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Dagul’.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?