May 5, 2024

Truck nahulog sa bangin sa Negros Oriental: 15 PATAY, 2 SUGATAN

UMABOT sa 15 katao ang namatay habang tatlo ang sugatan nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang truck sa Negros Oriental.

Ayon sa ulat, naganap ang ang madugong trahedya sa kahabaan ng National Highway ng Barangay Bulwang, bayan ng Mabinay sa naturang probinsya.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Negros Oriental Police Provincial Office, lulan ng trak ang mga biktima mula sa La Libertad at patungo sana sa Mabinay proper upang bumili umano ng buhay na baboy nang mag-overshoot ito sa highway atsaka mahulog sa bangin.

Samantala, sa kabila nito ay nakaligtas naman ang mismong driver ng trak na nagsabi namang nawalan daw ng preno ang kaniyang trak na nagsanhi naman ng naturang trahedya. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng mga pulis at mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa reckless imprudence resulating in multiple homicide at damage to property.

Dead on the spot ang 14 na indibidwal habang tatlo naman ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang trak na sinasakyan ng mga ito sa bangin sa Negros Oriental.