Opisyal nang nagretiro si Triple H sa wrestling ring matapos ang 30 taong career. Ito’y matapos na sumailalim siya sa emergency heart surgery. Inamin ng 52-anyos na wrestler na natatakot siya para sa kanyang buhay.
“For me, as far as in-ring, I’m done,” aniya.
Ang fight icon na si Paul Levesque sa tunay na buhay ay nagdebut noong Marso 24, 1992. Inanunsiyo niya ang kanyang retirement nitong March 25, 2022.
Balak sana niyang sumalang sa Wrestlemania 38. Ngunit, di na uubra dahil sa nararanasan niyang viral pneumonia at heart failure.
“I will never wrestle again. I have a defibrillator in my chest, which it’s not a good idea for me zapped on live TV,” saad pa ng NXT producer. Siya rin WWE’s Executive Vice President of Global Talent Strategy & Development.
Kontrabida-bida vice versa ang kanyang role sa wrestling. Kung saan, nasungkit nito ang 9 WWE Championships. Gayundin ang 5 World Heavyweight Championship, 3X World Tag Team champion. 4X Elimination Chamber participant at 2X Royal Rumble winner.
Ilan sa kanyang markadong bansag sa kanya ang ang ‘ The Game’, Cerebral Assassin’ at ‘The King’.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!