
TODAS ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Antonio Pulga, nasa hustong gulang at residente ng Panghulo, Obando, Bulacan.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Don Basilio Bautista Bvld, Brgy. Hulong Duhat dakong alas-6:50 ng gabi pauwi na sa kanyang tirahan nang harangin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo.
Bumunot ng hindi mabatid na kalibre ng baril ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas patungong Panghulo, Bulacan.
Kaagad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng Malabin police subalit, nabigo silang madakip ang suspek. Patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN