Ipinag-utos nga kaya ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa kanyang City Engineer at iniutos naman nito sa City Environment and Management Office (CEMO) na pasukin ang isang private property sa kanyang lungsod?
Ayon sa mga bantay ng pribadong lupain na pag-aaari ng Goldmark Development Corporation, Inc., pilit di-umanong pinasok ng mga tauhan ng City Environment Management Office (CEMO) at mga tanod ng Barangay Nangka sa pag-uutos daw ng City Engineering.
Ayon sa mga tauhan ng Goldmark, sapilitan umanong pinasok ang lupain at pinagtatanggal ang mga bahay na tinitirhan ng mga bantay ng lupa pati na ang mga bakod nito.
Lulan ng sasakyang pag-aari ng lungsod ng Marikina ang mga tauhan ng CEMO, habang sakay ng kanilang mobile ang mga pulis na escort.
Lehitimo raw umano ang sapilitang pagpasok ng mga tauhan ng Mirikina City sa Goldmark, subalit walang maipakitang dokumento para suportahan ang kanilang aksiyon.
Samantala, wala raw umanong nagpakilala sa mga sumugod at nag-trespassing sa Goldmark.
May kaalaman nga kaya si Mayor Teodoro sa kilos na ito ng kanyang mga tauhan? Napag-alaman din natin na dalawang araw din ‘di umano ang tinagal nang paulit-ulit na pag-trespassing sa Goldmark na dahilan para mahinatakutan ang mga bantay ng property.
Ang sapilitang pagpasok sa isang private property ay labag sa batas lalo na kung walang maipakitang dokumento na naaayon sa kanilang dahilan ng panghihimasok.
Nananawagan ang mga taga-Goldmark kay Mayor Teodoro na sana ay paimbestigahan nito ang ilegal na pagpasok ng kanyang mga tauhan gayundin ang pananakot sa mga bantay at pagwasak ng mga tirahan ng mga ito.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE