Hahanapan pa rin ng pulisya ng travel pass ang sinumang manggagaling sa Metro Manila na nagbabalak magtungo sa Tagaytay, ayon kay Joint Task Force COVID shield commander LT. Gen Guillermo Eleazar.
Ayon kay Eleazar, bukas ang pintuan ng Tagaytay City para sa mga turista na tanging mga taga-Cavite lamang. Ang Tagaytay City ay sikat na pasyalan sa Cavite.
“Ngayon po ‘yung sinasabi sa Tagaytay, while it is true na ang Tagaytay dineclare ng LGU (local government unit) nila na hindi na kailangan ang travel pass pagpasok doon, ‘yun po ‘yung manggagaling within Cavite,” paliwanag ni Eleazar. “So ‘yung galing sa Metro Manila, pupunta ng Cavite, dapat po may reason kayo sa pagpunta doon. Kung hindi, dapat kukuha pa rin kayo ng travel authority,” dagdag pa nito.
Ang Metro Manila, kung saan maraming COVID-19 infection na naitala, ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) habang ang Cavite ay modified (GCQ).
Samantala, sinumulan na ng pamahalaan ang dahan-dahang pagbubukas ng sektor ng turismo sa pamamagitan ng “staycations” sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
More Stories
TIKTOK BAN SA APPLE, GOOGLE SA ENERO 19 (Matapos ang utos ng korte)
Bulaklak ng Pasko
PH INTERNET MAKUPAD, KULELAT