
MABINI, BATANGAS — Dumulog sa tanggapan ng Mabini Municipal Police Station ang isang 25-anyos na transgender na negosyante, matapos umanong gahasain ng isang Chinese national sa isang resort sa Barangay Ligaya, bandang 1:00 ng madaling-araw nitong nakaraang Linggo.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Larc”, residente ng BF Homes Resort, Las Piñas City, habang ang suspek ay kinilalang si alyas “Ehron Sy”, 23 anyos, isang Chinese businessman na nakatira sa Brgy. Pina, Taysan, Batangas.
Ayon sa salaysay ng biktima, pinagbantaan umano siya ng suspek na ikakalat sa social media ang kanyang hubad na larawan kung hindi siya pupunta sa Blue Ribbon Resort, kung saan pansamantalang nanunuluyan ang suspek. Dahil sa takot, nagpasama ang biktima sa kanyang kaibigan patungo sa resort.
Pagdating sa lugar, hindi pinayagan ng guwardiya na makapasok ang kanyang kasama kaya’t mag-isang pumasok ang biktima sa kuwarto ng suspek. Pagkapasok sa kuwarto, agad umanong naghubad ng shorts at underwear si Ehron Sy at puwersahang ipinasubo ang kanyang maselang bahagi sa biktima.
Matapos ang insidente, agad na nagsumbong ang biktima sa pulisya, na agad namang kumilos at inaresto ang suspek sa loob ng resort.
Kasalukuyang nakakulong sa Mabini Municipal Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong Rape o Sexual Assault alinsunod sa umiiral na batas. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mapalalim pa ang kaso at mabigyang hustisya ang biktima. (Ulat ni KOI HIPOLITO)
More Stories
₱200 DAGDAG-SAHOD LUSOT SA KAMARA
₱450K HALAGA NG HIGH-GRADE MARIJUANA NASAMSAM SA MARIKINA
DEPED, NANAWAGAN NG MAS MARAMING VOLUNTEERS SA BRIGADA ESKWELA 2025