
Imbes na tiketan, face shield ang ibinigay ng isang traffic enforcer sa isang tsuper ng taxi sa Pasig City.
“Pero next week mas istrikto nang ipapatupad to– imbes na face shield ay ticket na ang iaabot sa inyo,” ayon sa tweet ni Mayor Vico Sotto.
Naipasa na ng Sanggunian Panglungsod ng Pasig ang Face Shield Ordinance alinsunod sa IATF, DTI, DOLE guidelines.
Bukod sa face mask ay kailangan may suot na face shield kapag nasa pampublikong transportasyon, opisina, tindahan, atbp.
Hindi rin aniya kailangan ng face shield habang nagmamaneho, nagbibisikleta o nag-e-exercise.
More Stories
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO
PAMILYA MUNA
Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal