Nagbigay ng prediction si Trae Young, star guard ng Atlanta Hawks tungkol kay Klay Thompson. Aniya, malamang na ito ang pumutok sa tres sa Game 6 kaysa kay Stephen Curry.
Malamang na umiskor aniya ang Golden State Warriors shooting guard ng 50-60 points.
“I feel like Klay going for 50 in Game 6. He just getting warm right now,” aniya. Mangyayari raw ito kapag naka-focus lang ang depensa ng Boston kay Curry.
Kapag uminit si Thompson sa tres ay malaking problema raw ito sa Celtics. Ang Game 6 ay idaraos sa The Garden sa Boston sa Biyernes, PH time.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2