MALUBHANG nasugatan ang isang 10-gulang na batang lalaki matapos masabugan ng pla-pla sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Caloocan City.
Patuloy na ginagamot sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) ang biktimang itinago sa pangalang alyas “Toto” ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga sugat sa kamay, mukha at paa.
Sa kuwento ng ama ng biktimang si Marlon Relly, nagpapaputok umano sa labas ng kanilang bahay ang kanyang anak kasama ng iba pa nilang kaanak.
Inakala umano ng biktima na walang nang sindi ang pla-pla subalit, nang hinawakan na niya ito ay biglang pumutok sa kanyang kamay.
Hinimatay ang bata na agad isinugod ng kanyang mga kanaak sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sa Caloocan bago inilipat JRRMMC sa Maynila.
Samantala, hindi naman bababa sa 40 katao ang naitalang nasugatan ng mga paputok sa nasabing ospital noong Lunes ng madaling araw.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA