Bunga ng kanilang balance scoring, pinitik ng Boston Celtics ang Toronto Raptors, 118-89 sa Game 5 ng Eastern Conference semis.
Kaya naman, lamang na sa series ang Boston, 3-2 at isang panalo na lang, pasok na sila sa Conference finals
Nanguna sa panalo ng Celtics si Jaylen Brown na gumawa ng 27 points, 6 boards at 3 steals. Tumulong naman si Kemba Walker na bumuslo ng 21 points, 4 boards at 7 assists.
Ayon kay Celtic coach Brad Stevens, gumana ang kanilang game plan. Ito ang rason kung bakit natambakan nila ng 29 points ang Raptors.
“Start things off with an increased effort on defense to set an immediate tone,” aniya.
Nakaungos ang Celtics sa pagratsada ng 23-7 scoring run sa 2nd quarter. Kaya naman lamang sila, 37-25 at inilista ang 28 puntos na lamang, 60-32 sa halftime.
Samantala, nagtala naman ng 18 points, 2 board at 5 assists si Fred VanVleet para sa Raptors. Umalalay naman si Normal Powell sa paggawa ng 16 points, 1 boards at 3 assists.
Narito ang stats ng Celtics-Raptors sa Game 5
BOS:Jaylen Brown: 27 Pts. 6 Rebs. 3 Stls. Kemba Walker: 21 Pts. 4 Rebs. 7 Asts. 1 Blks. Jayson Tatum: 18 Pts. 10 Rebs. 4 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Daniel Theis: 15 Pts. 8 Rebs. 1 Asts. 2 Blks. Brad Wanamaker: 15 Pts. 3 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. Marcus Smart: 12 Pts. 7 Rebs. 6 Asts. 1 Blks.
TOR:Fred VanVleet: 18 Pts. 2 Rebs. 5 Asts. 3 Stls. Norman Powell: 16 Pts. 1 Rebs. 3 Asts. Pascal Siakam: 10 Pts. 4 Rebs. 2 Asts. Kyle Lowry: 10 Pts. 2 Rebs. 5 Asts. 2 Stls.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2