May 18, 2024

TOP 9 MOST WANTED PERSON ARESTDO SA VALENZUELA

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na wanted sa kaso ng frustrated homicide matapos makorner ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Karuhatan ang presensya ng akusadong si alyas “Lando” na kabilang sa mga most wanted person ng lungsod.

Kaya agad silang nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:15 ng hapon sa hapon sa harap ng South Super Market, Brgy., Karuhatan.


Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnacion Aquino-Gepty ng Regional Trial Court Branch 75, Valenzuela City noong January 25, 2024, para sa kasong Frustrated Homicide.


Dinala ang akusado sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihinaty ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (JUVY LUCERO)