
SHOOT sa selda ang isang lalaki na listed bilang top 6 most wanted sa Navotas City dahil sa kasong panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Rommel Declaros, 24 ng Ugnatan St., Brgy. Concepcion, Malabon City.
Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operartiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. Tañong, Malabon City.
Kasama ang CIDG-SOU at DSOU-NPD sa pangunguna ni PMAJ Felix Venancio Rivera, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Declaros sa Leaño St., Brgy. Tañong, dakong alas-1:30 ng hapon.
Si Declaros ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 9, Navotas City noong November 14, 2022, para sa kasong Rape.
More Stories
Bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho; 6 sugatan
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City