May 11, 2024

Top 4 most wanted sa Navotas na nang-molestiya sa pamangkin, arestado

PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng 826 Interior Naval St. Brgy. Sipac-Almacen ay dahil sa ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation ng mga tauhan ng Warrant Section.

Sinabi pa ni Col. Balasabas na ang naarestong suspek ay matagal ng wanted mula ng 2015 matapos ang ginawang sexually abused sa kanyang 16-anyos na pamangking babae.

Inaresto ng suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Carlos M. Flores ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, para sa kasong paglabag sa Sec 5 (b) ng R.A. 7610 o Child Abuse in Criminal.

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Belista sa Navotas City Police Station habang hinihintay ang commitment order na i-isyu ng Malabon RTC.