
ISINELDA ang isang babae na listed bilang top 4 most wanted ng Caloocan City matapos mabitgas sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Cuenca Batangas, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Jackylen Viovicente alyas Jackylyn Atienza, 36 at residente ng Dalipit West, Cuenca, Batangas.
Ayon report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Caloocan police hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado sa Batangas.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PMAJ John David Chua, kasama ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng CCPS, Cuenca Municipal Police Station, Batangas Police Provincial Office, Alitagtag Municipal Police Station, Northern NCR Maritime Police Station, at 4th MFC-RMFB NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa Poblacion 2, Cuenca Batangas, bandang alas-3:00 ng hapon.
Ani PMAJ Chua, sa inisyung warrant of arrest ni Hon. Raymundo Guma Vallega, Presiding Judge ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 130 ay “convicted” o napatunayang nagkasala si Viovecente para sa kasong Act of Lasciviousness under Section 5(B), Article III of R.A. 7610.
More Stories
TAIWAN TERROR! TAIPOWER WUMASAK SA HIP HING SA AVC CHAMPIONS LEAGUE
Easter Message ni BuCor Chief Catapang: ‘Pagbangon, Pag-asa, at Pagbabago’
‘BARKADA’ NI IMEE AT ROQUE? LITRATO NG SUSPEK SA KIDNAP-SLAY KUMALAT MATAPOS SUMUKO!