
Nagpiyansa ang social media personality na si Toni Fowler ngayong araw matapos ipag-utos ng Pasay court ang pag-aresto laban sa kanya dahil sa umano’y paglabag sa Cybercrime Prevention Act na may kaugnayan sa kanyang kontrobersiyal na music video.
Ayon sa Pasay Regional Trial Court Branch 108, naglagak ng P120,000 na piyansa si Fowler.
Umani ng samu’t saring reaksyon ang music video ng kantang “MPL” ni Fowler dahil sa adult content nito.
Aniya, restricted ang video at hindi inlaan para sa universal audience.
Matatandaan na binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng “X” rating ang naturang music video.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO