April 15, 2025

Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad

Itinutulak ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagpapatupad ng 60 kilometer per hour speed limit sa mga pangunahing kalsada upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.

Ito ay kasunod ng naging aksidente sa Commonwealth Quezon City na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawang indibidwal at pagkasugat naman sa pitong iba pa dala ng karambola ng tatlong sasakyan.

Bilang dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority, iginiit ni Tolentino na matagal ng kilala ang Commonwealth bilang ‘killer highway’ at para maresolba ito ay ipinatupad nila ang 60 kph speed limit noong siya ay nakaupo pa sa MMDA.

Anya, sa ngayon, malinaw na makikitang magagam,it pa rin ito para mabawasan ang kaso ng mga naaksidente sa kalsada ng QC.

Dagdag pa niya, nagkakaroon ng mga batas trapiko para mapanatili ang kaligtasan ng publiko at obligasyon ng mga motorista at drayber na sundin ito. (BG)