May 18, 2024

‘Titindi pa sa mga darating na buwan’: WEAK EL NIÑO, NAGSIMULA NA – PAGASA

Kinumpirma ni Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) Officer-In-Charge Dr. Esperanza Cayanan, na umiiral na ang El Niño Phenomenon.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng El Niño advisory ng PAGASA batay na rin sa climate monitoring at analyses kung saan naitala na ang mainit na temperatura sa karagatan ng Pacific.

Paliwanag niya na nararanasan ngayon ang weak El Niño ngunit inaasahang na titindi pa ito sa mga darating na buwan.