December 26, 2024

TINAPYAS NA BUDGET SA SUCs MAGPAPALALA SA KRISIS SA EDUKASYON

NAGPAHAYAG ng pangamba ang Philippine University of the Philippines (PUP) student council kaugnay sa pagtapyas ng pondo sa ilang state universities and colleges (SUCs) na magdudulot ng dagdag-krisis sa edukasyon.

“Giba po yung north wing ng PUP, so with that iilan lang yung classrooms na nagagamit. May nagagamit na classroom pero kulang kulang yung mga equipment, may mga upuan pero sira-sira. May mga electric fan na hindi gumagana. Yung laboratories, iyong mga estudyante sa College of Computer and Information Sciences ay nagsasalitan, naghihintayan pa para makagamit ng laboratories,” ayon kay Modelo. Ayon sa Kabataan Partylist, umapela ang mga opisyales mula sa 36 SUCs, kabilang ang PUP, sa Kongreso para ibalik ang higit P6 bilyon na tinapyas sa kanilang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Modelo, nanatili pa rin sa blended learning ang ilang paaralan dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan.

Isinusulong pa rin ng mga estudyante ang ful face-to-face classes dahil mas nakakatulong ito sa pag-aaral.

 “Talagang mas gusto natin ang full face-to-face para din mas mabilis yung flow ng discussion. Talagang mas maintindihan ng estudyante iyong mga pinag-aaralan at makamit ang tunay na kalidad na edukasyon,” ayon kay Modelo.