Maganda ang naging kombinasyon nina Stephen Curry at Klay Thompson matapos umiskor ng 52 puntos at sampung 3s, para tapusin ang sumpa makaraan ang anim na laro ng sunod-sunod na talo.
Inakay ng dalawa ang Golden State Warriors sa 121-116 panalo laban sa Houston Rockets sa San Francisco.
Si Curry, all-time leader sa 3-pointers made, ang unang player sa kasaysayan ng liga na nagbaon ng apat o higit pa mula long range sa first 13 games sa pagsisimula ng season. Mula sa floor ay 8 of 14 ang two-time MVP, 5 for 9 sa labas ng arc.
Nakuha ni Curry ang milestone fourth 3-pointer sa dulo ng third quarter nang lumamang ang Warriors 100-87.
“Haven’t had good energy walking off this floor in a while,” ani Curry sa unang home game win ng Warriors (7-8) sapul noong Nov. 1. “We needed this one for sure.”
Bago ang laro, malamig na 15 of 32 (3/19 sa 3s) shooting lang si Thompson sa huling apat na salang. Kontra Rockets (6-6), naka-tatlong 3s siya tungo sa 12 points sa first quarter. Tumapos siya ng 7/16, may limang tres.
Nag-ambag ng 15 points, 12 assists si Chris Paul.
Naiwan ng 14 ang Rockets at halos buong gabing naghabol ng double digits. Namuno sa Houston ang 30 points ni Alperen Sengun, may 17 si Jabari Smith Jr. at tig-16 sina Dillon Brooks at Jalen Green. RON TOLENTINO
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA