Rumesbak ang Los Angeles Clippers sa pagkakasilat sa kanila ng Dallas Mavericks sa Game 4. Bilang ganti, tinambakan ng Clippers ang Dallas ng 43 puntos sa Game 5.
Bumida sa pagpilipit ng Clippers sa Mavs si Paul George. Kumana si George ng 35 points. Nagpasiklap na agad ng 27 points na lamang ang Clippers sa first half.
Mas lalo pang namaga ang lamang pagsapit ng second half. Umabot ang lamang ng Clippers sa 45 puntos.
Nag-ambag naman sa Clippers ng 32 points si Kawhi Leonard. lLamang na sa serye ang Clippers, 3-2 sa Western Conference.
Nanguna naman sa opensa ng Dallas si Luka Doncic ng 22 points. Malaking kawalan naman si Kristaps Porzingiz dahil sa swollen ankle.
Minalas naman si coach Rick Carlisle sa third quarter dahil na-eject ito. Kaya, naapektuhan ang moral ng Mavs.
Sa first half pa lamang ng bakbakan ay agad na nagpasiklab ang Los Angeles kung saan napalawig nila ang kanilang lamang ng hanggang 27 puntos sa first half.
Lalo pang tumindi ang opensa ng Clippers sa second half na pinalaki pa ang kanilang agwat ng hanggang 45 points.
Mula rito, hindi na nakaalagwa ang Mavericks. Narito ang stats sa Clippers-Mavericks sa Game 5:
DAL:Luka Doncic: 22 Pts. 8 Rebs. 4 Asts. 1 Blks. Tim Hardaway Jr.: 19 Pts. 1 Rebs. 3 Asts. Trey Burke: 15 Pts. 1 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. Maxi Kleber: 12 Pts. 4 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. 2 Blks.
LAC:Paul George: 35 Pts. 3 Rebs. 2 Asts. Kawhi Leonard: 32 Pts. 7 Rebs. 4 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Montrezl Harrell: 19 Pts. 11 Rebs. 1 Asts. 1 Blks. Marcus Morris: 12 Pts. 6 Rebs. 4 Asts. 1 Stls.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2