January 23, 2025

TIGNAN: Sunday mass isinagawa sa parking area ng nasunog na simbahan

MAKIKITA sa larawan ang nasunog na Christ on the Cross at isang replica ng imahe ng Sto. Niño de Pandacan. Pinangunahan ni Sto. Niño de Pandacan Parish Priest Reverend Fr. Sonny de Claro ang Sunday mass sa parking area sa labas ng nasunog na simbahan ngayong Linggo. Matapos ang misa, binasa ni Fr. De Claro ang isang pahayag sa mga parishioners at sinabing natagpuan na ang mga labi at nasunog na gamit ng poong Sto. Niño de Pandacan. (kuha ni NORMAN ARAGA)

KINUMPIRMA ng Sto. Niño de Pandacan Parish na kabilang sa naabo ang 400 na taong gulang na imahe ng Sto. Niño de Pandacan makaraang masunog ang Simbahan noong Biyernes.

Ito ang inanunsyo nang masagawa ng misa sa labas ng Simbahan kaninang umaga.

Nabatid na narekober ang ilang bahagi ng damit at bola ng nasabing imahe at itinago sa ikalawang palapag.

Una nang napaulat na nawawala ang naturang imahe.

Ngayong araw ay nagsagawa ng dalawang misa ang Simbahan, isa sa umaga at isa sa hapon.

Nagsagawa ng misa sa labas ng Simabahan kung saan naroroon ang nasunog na imahe ni Jesus Christ at iba pang santo.