NAGSAGAWA ng protesta ang Prosecutors’ League of Manila sa City Hall upang humingi ng hustiya para sa kanilang kasamahan na si Senior Assistant City Prosecutor of Manila Jovencio Senados na napatay matapos pagbabarilin sa Paco, Manila.
“The killing of Chief Senados is not only an assault to a hardworking, brilliant & dedicated public servant who devoted decades of his life to public service but also an assault to the rule of law,” pahayag ng nasabing liga.
Suot ang itim na t-shirt at bitbit ang tarpaulin na nakasulat ang kanilang panawagan, nagsagawa ng protesta ang mga prosecutor at empleyado ng prosecutors’ office dakong alas-10:30 ng umaga.
Si Senados, 61, ay napatay noong Hulyo 7 sa Paco, Manila dakong alas-11:00 ng umaga ng mga armadong kalalakihan lulan ng itim na Mitsubishi Montero na papunta sana sa City Hall.
Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno kay Manila Police District (MPD) chief Gen. Rolly Miranda ang malawakang imbestigasyon para maresolba at mabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang kay Senados.
Sinabi ni Moreno na ang insidente ay makaaapekto sa hudikatura at karapatan ng Manilenyo para sa payapang kapaligiran.
Lumalabas sa ulat na 50 abogado, tagausig at hukom ang napatay simula noong taong 2016.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA