May 19, 2024

Sto Niño Parish Church sa Pandacan, Manila tinupok ng apoy

Inaapula ng mga bombero ang sunog sa Sto Niño Parish Church sa Pandacan, Manila. (Kuha ni NORMAN ARAGA)

TINUPOK ng apoy ang Sto. Niño de Pandacan Parish sa Pandacan, Manila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (Manila-BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-1:19 ng hapon, na umabo sa ikatlong alarma at naapula dakong 1:44 ng hapon.

Wala namang naideklarang namatay o nasibing sunog.

Bagama’t naabo ang buong Church hall sa sunog, kasama na ang isang karwahe at mga imahe ng santo.

Nasunog rin ang kumbento ng mga pari at madre kabilang na ang kamanilya ng Simbahan. Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at kung magkano ang danyos ng sunog.