January 23, 2025

TIGIL-PASADA SIMULA SA ABRIL 30 HANGGANG MAYO 1 (Kontra sa franchise consolidation deadline)

NAKATAKDANG magsagwa ng tatlong-araw na tigil-pasada ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) mula Abril 29 hanggang Mayo 1,  
bilang protesta para sa Abril 30 na itinayang deadline ng franchise consolidation.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi ni PISTON deputy secretary general Ruben Baylon, ikakasa ang tigil-pasada ng mga driver at operator para ipaglaban ang kanilang kabuhayan. Ilang beses nang nagsagawa ng tigil-pasada ang PISTON. “Pinatunayan na sa kasaysayan na nagkandalugi, nabaon sa utang, at nagkandasira ‘yung mga unit…. Ang gusto nating modernization [ay] progresibo, makabayan, tunay na abot-kaya na pamasahe ng mga mamamayan,” saad niya.

Sa ilalim ng PUV Modernization Program, kinakailangan ng jeepneys at UV Express units na bumuo o sumali sa kooperatiba o korporasyon para maipagpatuloy ang kanilang operasyon. Makailang beses ini-extend ang deadline para sa konsolidasyon pero ang “final” extension ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay hanggang Abril 30 na lang.

Ipinoprotesta ng PISTON at iba pang  grupo ang industry consolidation, kung saan binanggit ang pangamba na maaring payagan ang mga negosyo at malalaking entity na manipulahin ang pampublikong transportasyon.

“As May 1st approaches, a time when the government should commemorate and recognize the contributions of workers to societal progress, thousands of drivers and operators are at risk of losing their livelihoods due to the worsening transportation system in the country,” ami Baylon.