ISANG maaliwalas na umaga at magandang panahon ang tatamasahin ngayong maghapon na magbibigay-daan sa pagbubukas ng isang makasaysayang sports event na tatatak sa talaan ng bayang beysbolista.
Hahataw na rin sa wakas ang ‘baseball mania’ sa Manila sa pagratsada ng doubleheader ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup ngayong araw ng Sabado sa historic Rizal Memorial Baseball Stadium.
Ayon kay LBP Chairman Anando ‘Wopsy Zamora, tatampukan ang remarkable event sa larangan ng sports ang grandeng pambungad seremonya ng kauna-unahang commercial baseball league sa bansa na bobonggahan ng parada ng mga koponan sa diamond na kinabibilangan ng kakokoronang UAAP champion na National University, University of Santo Tomas,Ateneo de Manila University, Thunderz, Dumaguete, Katayama Baseball Academy, Itakura Parts Philippines Corporation at Samurai.
” All teams are champion caliber. May the best team win and bring home the title of the historic league LBP. Bakbakan na!” pahayag ni Zamora.
Tiniyak naman ni LBP president Jose Antonio Munoz (siya ring PABA secgen) na dadalo sa opening ceremony si PABA president Chito Loyzaga bilang espesyal na panauhin pati na si Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann.
Sinabi naman ni Executive Director Rodolfo Boy Tingzon, Jr. na doubleheader ang handog ngayon ng LBP Tingzon Cup na buenamanong hahataw ang malalakas na koponang Thunderz kontra Dumaguete sa ganap na 8am habang magtutunggali ang powerhouse teams IPPC( Itakura Parts Philippines Corp.) Hawks laban sa Samurai bandang alauna ng hapon.
Bukod kina Zamora, Munoz at Tingzon, ang iba pang opisyal na bahagi pagkatatag ng LBP ay sina Directors Loyzaga, Rene Andrei Saguisag,Jude Torcuato,Felipe Remollo,Jose Emmanuel Eala, Josedinno Mariano, Raymond Tolentino , Michael Zialcita at Anthony Suntay.Executive Administrator si Mariano Artoyo at corporate secretary si Julie Ann Yabes. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA