Nilunod ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets, 110-100 sa Game 4 ng Western Conference semifinals.
Nanguna para sa Lakers si Anthony Davis na bumuslo ng 29 points at 12 boards. Umalalay naman si LeBron James na nagsalpak ng 16 points, 15 rebounds at 9 assists.

‘We played defense. We did a good job of defending the three,” ani Davis.
“For the most part we executed our game plan.”
“Elimination games are always the toughest. We got to come out with a killer mindset,” aniya.
Ang matinding depensa at ang pagkamada ng guard combo ang naging susi sa panalo ng Lakers. Kung kaya, hindi nakaporma ang Rockets mula umpisa hanggang sa huli ng laro.
Dahil sa panalo, lamang na sa serye ang Lakers, 3-1. May tsansa ang team na wakasan na ang serye sa Game 5 sa Linggo.
Sa panig naman ng Rockets, gumawa ng 25 points at 2 boards si Russell Westbrook. Umalalay naman si James Harden sa pagbuslo ng 21 points at 10 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT