Nagbukas ang bagong pintuan at oportunidad kay Ateneo Blue Eagles cager Thirdy Ravena, kung saan ay maglalaro siya sa professional basketball league ng Japan na B. League. Ang serbisyo ni Ravena ay nilambat ng koponang San-en Neo Phoenix. Dahil ditto, si Ravena rin ang kauna-unahang Asian Special Slot contracted player sa B.League.
Gayunman, maghihintay pa ng kaunting panahon ang 23-anyos na cager bago siya sumalang sa laro; dahil kanselado ang kasalukuyang season ng liga sapol pa noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.
Bilang basketeer, naging makulay ang collegiate career ni Ravena sa UAAP, kung saan ay nagwagi siya ng tatlong kampeonato at tatlong Finals MVP awards. Naging member din siya ng Gilas Pilipinas squad na nagkuwalipika sa 2019 FIBA World Cup. Hindi nakapagsumite para2020 PBA Rookie Draft sa kabila na isa siya sa mga prospects. Sa halip, susubukan niyang makatulong sa Japanese squadna kumuha sa kanya na may recordna 5-36 noong nakaraang season— kulilat sa Central District Division.
Nagagalak naman si TNT head coach Bong Ravena, ama ni Thirdy sa oportunidad na dumating sa kanyang anak.
“Masaya lang kaming pamilya at nagpapasalamat lang kami sa panginoon sa blessings na binibigay nya sa amin. The rest ay paghihirapan na ni Thirdy,” pahayag ni Bong sa ESPN5.com sa pamamagitan ng text message.
Meanwhile, , one of Ravena’s long-time mentors at Ateneo, mentioned that it is a welcome development for Philippine basketball.
“I think I am one of many who are happy with the news. This is good news for Thirdy, his family, his friends, for us in Ateneo, for the Gilas program and for our countrymen,” pahayag naman ng long-time mentor ni Thirdy sa Ateneo na si Sandy Arespachocaga sa message.
“Big challenge also for Thirdy, but I am sure he welcomes it,”aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo